Tuesday, July 8, 2014

Si Alex


Kung nasusundan mo noon ang blog na ito, masasabi mong ang laki na niya. 
Mahusay na siyang magsalita. Sinasagot na nga ako, eh. 

Me: Ano ang itinuro sa iyo ng guro kanina? (Hindi ko siya ini-Ingles. Kailangan niyang masanay sa Filipino) 
Alex: Everything I needed to learn. 
Dahil bihasa ako sa art of interview, matapos ang ilang minuto: 
Me: Ano ang itinuro ni titser Maro sa iyo kanina?
Alex: Everything I needed to learn. 

May nakita akong fire tree. 
Me: Alex, fire tree ang tawag diyan. Tingin mo bakit fire tree ang tawag?
Alex: Because it has many flowers. 

Lahat ng eksenang ito ay habang nagmamaneho ako matapos ko siyang sunduin sa klase. Para makatipid ang nanay niya sa pamasahe at para mas maalwan na rin para sa bata ang pag-uwi. 

Kapag nasosopla ako, naiisip kong pigtasin ang seatbelt niya, itulak siya pababa, at iwan sa kalsada. Hehehe. 

No comments:

Post a Comment