May sakit ang isang tiyuhin ko kaya nilinis naming magpipinsan ang bahay niya. Nagtapon kami ng mga bagay. Sabi ko sa kanya mag-iiwan ako ng dos por dos at malaya siyang gamitin iyon para hatawin ako kung di siya masisiyahan sa gagawin namin.
Habang naglilinis kami, naisip ko na mas magaan talaga ang buhay kung walang pagnanasa sa materyal na bagay.
Ganito: kung ang kotse ay para makarating ka sa point B mula sa point A. Kung ang bag ay para may paglagyan ka ng mga gamit. Kung ang damit ay para hindi ka hubad o ginawin. Kung ang pagkain ay para matugunan ang kalam ng tiyan.
Kapag ang mga bagay na nabanggit ay binili mo para taob ang mga kaibigan/kakilala/kaaway mo, may problema ka.
homaygas! you are still blogging! hahahaha!
ReplyDelete-duke
HINDI ko nga mapanindigan eh. Di bale, gagawin kong mas regular. Kainis ang mga headline-readers sa FB eh.
ReplyDelete