Sa panahong ito na may email, Twitter, FB, text messages, at kung anu-ano pang nagpapadali sa palitan ng mensahe, aakalain mong madali na ang komunikasyon.
Iba kapag si Hunghang ang kausap mo. Sa PM namin sa FB kailan lang, nawindang ang aking umaga. Di ko pa rin maunawaan kung paano kami nagkagulo sa dapat ay simpleng usapan tungkol sa Fruit of the Loom t-shirts na isang dekada ko nang hinihingi sa kanya.
HUNGHANG:
For men ba yung
fotl mo and it's medium?
BARGAS:
PARA SA AKIN! Uyyy, ibibili na niya ako.....
HUNGHANG:
After ilang years, sabihin mo na size at kung
for men ba yun? Baka makalimutan ko pa.
BARGAS:
For me! Anak ng powtah. Kung may lalaki ako,
patitigilin ko ang ikot ng mundo para i-announce na may boylet ako. Ano ka ba?
Ako pa?
HUNGHANG:
Di tayo magkaintindihan. Meron bang fotl na
pambabae...puro panlalaki ang nakikita ko.
BARGAS:
Ah, wala. Kahit Haynes, si Michael Jordan ang
model.
HUNGHANG:
Medium? Large?
BARGAS:
Medium
HUNGHANG:
Hay, salamat at nagkaintindihan tayo.
BARGAS:
Hahahahaha! Baliw ka
kasi. Agang-aga....
Puwede mong itinanong sana kung "MAY PAMBABAE
BA NA FOTL?"
HUNGHANG:
Wag ka na mang-away, at baka makalimutan ko pa!
BARGAS:
Hahahahahaha! Ayan, pati ang sinabi ko mali ang
dating sa iyo. Hahahaha! Ano ba ang nangyayari sa wiring mo?
HUNGHANG:
Haha. Di ako galit hehe
BARGAS:
This is one hilarious
morning. Hahahaha!
Ipo-post ko ito sa blog kong super secret.
No comments:
Post a Comment