Sunday, July 27, 2014

Kape at Wifi

Mainit sa bahay at masyado rin akong naaliw manood ng TV sa halip na tapusin ang powerpoint tungkol sa isang bagong programa. 

Nagdesisyon akong limitahan ang lugi ko sa oras, nagtungo ako sa Icings malapit sa Morato. 

Matapos kong kumain ng kanilang overpriced na almusal, nagtrabaho na ako. Dahil may kailangan akong i-research, nagtanong ako kung may wifi sila. 

"Wala po," sabi ng mala-manedyer na babae. 

Nagtrabaho ako ulit. 

Maya-maya ay lumabas sa screen ko ang pasabi ng iba't ibang pangalan ng wifi. Isa rito ay Icings. 

"Nagsinungaling ka ba, nang sinabi mo na wala kayong wifi?" tanong ko sa babaeng mala-manedyer. 

"Opo, kasi para sa amin lang ang wifi," sabi niya. 

"Kung ganoon, palitan ninyo ng pangalan ang wifi ninyo para hindi sumama ang loob ng parokyano ninyo," sabi ko. 

Puwede ninyong gawin itong "SAKIM," sabi ko. 

Nagbayad ako at lumayas. 

Walang nagtaas ng boses o nagalit sa mga eksenang ito. Ang reklamadorang customer ay nakangiti sa buong eksena.  

No comments:

Post a Comment