Tuesday, August 19, 2014

Ugaling Pinoy

Bumibisita ngayon sa Pilipinas ang aking paboritong tiyahin. Siya iyong nagpalaki sa akin noong nasa elementarya ako sa Don Galo. 

At dahil guro siya, sino pa ba ang magiging bisita niya kundi ang kanyang mga kapwa guro noon? 

Pero sa halip na ang tiyahin ko ang pagtuunan nila ng pansin, ako ang ginawa nilang pulutan. 

"Ang taba mo, di ba dati ang payat mo?" sabi ng isa. 
"Bakit di ka pa nag-aasawa? Mag-asawa ka na!" kontribusyon ng isa pa.
"Kahit anak na lang," dagdag ng isa pang pakialamera. 

"Ako ba talaga ang magiging paksa ninyo ngayon?" sagot ko. Nagtawanan sila. 

Nagpaalam na ako matapos iyon. 

"Uy, may kotse ka na?" pahabol ng isa. 

Tayong mga Pinoy, wala talagang respeto sa pribadong buhay ng kapwa. Para tayong mga langgam sa isang lungga na palaging binabaha, nagkikiskisan ang mga siko at walang pribadong espasyo. 

 

2 comments:

  1. Tama sila... jowk -- (bagong spelling ng joke ayon sa isang social networking site).

    Minsan ganyan din ako mahilig manghimasok sa buhay ng iba. Hindi alam ang kahulugan ng privacy.

    Minsan lang naman. ;-)

    ReplyDelete
  2. Siguro depende pa rin sa relasyon, Beatburn. Pag malapit na kaibigan ay may lisensiya sa ganyan. Kapag hindi, siguro dapat konting busina.
    Buti wala akong baon na balisong. Jowk!

    ReplyDelete