Siguro tumatanda na ako o wala lang talaga akong pasensiya sa usapang walang kuwenta.
May kilala akong tuwing may matatanggap na tawag sa telepono ay tila kailangang ipaalam niya sa buong baryo na may kausap siya.
"HAHAHAHA! Ikaw talaga, Ate. Oo, Ate, oo Ate." Ad infinitum na oo, Ate. Kahit di na dapat marinig ng publiko ang detalye, iparirinig talaga.
"Oo, nagkita kami noong Sabado. Kumain kami sa _____."
Parang Facebook minsan ang mga tao ngayon. Lahat ng nangyayari ay kailangang itipa para ibandera sa balana na may nangyayari sa buhay.
Kaya ako nabibingi. Kasi madalas ay nagsasalpak na lang ako ng musika sa tenga.
Siguro may mga taong di lang talaga komportableng makasama ang sarili nila kahit sandali kaya kailangang humiyaw.
No comments:
Post a Comment