Napag-usapan kanina sa pulong ng isang programa ang pagba-blog ko.
Sabi ko, ito ay isang saradong pahina. Sa mga oras na ito, malamang hinahanting na nila sa Google ang blog na ito.
Sa mga nakalipas na buwan, ang tamad kong magsulat. Dati, araw-araw ay may lamang kuwento ang blog ko.
Ngayon, madalas ay sa FB na lang ako nagpapahapyaw ng komento. Kailan lang ay pinuna ako na napapadalas ang komento ko tungkol sa isyu ng naghaharing pamilya sa isang marangyang lungsod na puno ng matatayog na gusali.
Ewan ko kung bakit tinatamad akong magsulat dito. Di bale, babawi ako sa mga susunod na araw.
Anong fb mo? Hi! I miss you na! I miss reading your blog!
ReplyDelete