Saturday, December 20, 2014

Bonus

Nakasalubong ko sa pinto ng isang gusali ang isang kaibigan kong manager ng isang sikat na bangko.

Nagulat ako. "Ano ang ginawa mo rito?" tanong ko sa kanya.

"Nag-withdraw ng bonus ang mga boss ng gusaling ito," sabi niya, nagmamadali matapos ang beso-beso namin.

Kasama niya ang tatlong babaeng may dalang supot ni Hudas na namumukol sa laman at mukhang mabigat.

Sakay sila ng isang armored van at may kasamang mga lalaking may dalang mahahabang baril.

Nanliit ako. Hahaha! I am so poverty-stricken bigla in 30 seconds.

Ganoon pala mag-bonus ang mga bossing. Armored van, at 25% ng staff ng bangko ang personal na naghahatid.

I wanna be rich!

No comments:

Post a Comment