Alam na ninyo kung sino ako. Ako ang orihinal na Scrooge. Sinulat ang The Grinch na ako ang modelo. Sinulat iyon ng mga taong mapait ang pananaw batay sa limang minutong pakikipag-usap sa akin.
Ngayong ang "horrendous traffic" ay mas madalas na ginagamit kaysa sa "good sex," ito lang ang masasabi ko: I told you so.
I told you to read the memo. Hindi sinabi ng Big Boss Up There na kailangang gumastos para sa birthday niya. Wala rin siyang sinabi na kailangang may bonus ka pag Disyembre. Sinuwelduhan ka na, may 13th month ka na, magrereklamo ka pa kung maliit ang bonus?
Wala sa batas ang bonus. Nasa batas lang iyan ng GMRC. Para sa mga di nakakaalam (at posibleng wala nito), ang GMRC ay Good Manners and Right Conduct.
Pag ang boss mo ay di alam ang GMRC, pagkatapos ng 13th month ay wala ka nang dapat asahan.
Marami sila.
Kaya take it from me: huwag kang umasa. Mas maalwan ang buhay nang walang inaasahan.
Pero wala rin naman kasi sa memo ni Big Boss Up There na dapat maging magastos ang birthday niya.
Manong mag-hapunan tayong lahat, pumunta sa simbahan, at batiin Siya ng "Happy birthday, Big Boss Up There!"
Be a family. Be nice. Be kind to your neighbor. Behave.
Iyon lang naman ang mensahe ng pasko.
Bakit ka gumagastos pa? Ang trapik tuloy.
No comments:
Post a Comment