Wednesday, December 10, 2014

Hindi Ko Itinanong

May isang reader na matagal ko nang kilala. Hindi siya basta manghuhula. Kilala ang husay niya sa maraming sektor.

Minsan, noong sa Tomas Morato pa siya nagbabasa ng kapalaran, isang kaibigan ko ang nanlibre sa akin sa isang session niya. Doon ko siya unang nakilala.

Matapos ito, isa pang kaibigan ang ganito rin ang iniregalo sa akin. Isang sesyon kay Sandy.

Sa nakalipas na sampung taon, siguro'y limang beses ko siyang kinonsulta. Mahusay talaga siya.

Kailan lang nalaman ko na hinulaan niya ang unang nagregalo sa akin ng sesyon sa kanya na nagkatotoo ang hula sa kanya: Lalaki ang magiging anak niya. Ito ay noong panahong ni walang boyfriend ang kaibigan ko, mga limang taon na.

Iyong isa namang kasama ko, nitong Nobyembre ay nagkatotoo ang sinabi sa kanya: Banyaga ang mapapangasawa niya.

Doon ako nagtaka. Puwede pala ang tanong tungkol sa relasyon kay Sandy. Bakit di ko naisip iyon?

Nagkita kami ni Sandy noong Linggo. Ibinigay niya ang regalo niya para sa batang sinabi niyang parating para sa kaibigan ko.

Noon ko lang nalaman na hula pala ni Sandy ang bata, nang ibigay ko na ang regalo sa kaibigan ko.

Nag-PM ako sa FB kay Sandy. Ako ba, magkakaroon ng relasyong may patutunguhan?

"girl, you'd be surprised. ehehehe... very happily surprised. labyuuuuu!!!" ang sagot niya. 


It's time to smile. :)

No comments:

Post a Comment